Bromoki

Wednesday, February 06, 2008

DEGREE OF COMPASSION

THE DEGREE OF COMPASSION

AURORA joins you all in spirit in celebration for the 28th Congress conceived to keep in touch once more for the gift of COMPASSION that MOTHER and HIS MAJESTY JESUS JOSEPH gave us. Whatever I am now and whatever gift bestowed by the Most High, all that was done with MOTHER.

Sa umpisa, hindi ko rin ganap na naintindihan ang maraming bagay sa pagmimisyon kay Mother. Marami nang dinaanan ang mga kasamahan ko na Shrine Leaders at ganun din sa mga naniniwala at nagmamahal kay MOTHER at JESUS JOSEPH. Anuman ang kagandahan ng langit na ipinamalas sa akin, nalaman ko na doon pala mag-uumpisa lahat sa kung anong uri ng kaharian ang nasa sa iyong puso. COMPASSION ay pagmamahal. Pagtatangi sa lahat ng bagay na kasama sa kabuuan ng nilikha ni MOTHER. Pagninilay nilay sa wastong paraan ng pamumuhay at pakikipag-kapwa tao. Walang nagsabi kung ano ang pamamaraan sa pagganap sa misyon maliban kay MOTHER. Doon ko naintindihan na ang tunay na pagmamahal ay ang sumunod sa utos ni MOTHER kahit parang mapupugto na ang hininga mo. kapit at mahigpit na kapit kay MOTHER ang nagbigay buhay at lakas sa pagdala ng misyon sa lahat ng panahon na inilagi ko sa daigdig natin.

Maalala natin ang masaya at simple na pakikitungo ng Diyos sa atin noong narito pa ang physical Nila Mother at Apo Jesus Joseph. Maalala natin ang lungkot sa mukha ni Mother noong kailangan na na lumisan si Jesus Joseph. batid natin ang ininda ni MOTHER na mag-isa Niyang itinaguyod ang misyon na sadya nila dito. Sa mga nakakaalam, nakita din natin ang lungkot sa mga mata ni MOTHER sa mga sandali ng pamamaalam Niya. Nagpatuloy ang pakikipag-ugnayan Nila sa pamamagitan ng mga mensahe lalong lalo na sa baso o board messages. Dumating na rin ang panahon na ang bawa't isa sa atin ay nakatalaga na makinig at mariin na damhin ang mensahe na inilalahad sa ating mga puso.

Ganyan ang ginagawa na namin ngayon sa Poro Shrine. Isang kawan ng Light Beings ang kasama naming gumaganap. Ang boses ng Diyos ay palaging maririnig kung tutusin. At ang boses na iyon ang tanging magbibigay katahimikan sa kaguluhan ng kamalayan.

Ano ang kinahihitnatnan ng lahat na ito? COMPASSION to the needy and oppressed brethren is a step. Reaching out unselfishly from the home to others in the community. The persistence to see beyond the words of the messages, beyond human pleasures upang magisnan ang katotohanan sa inihanda at naghihintay na creations ni MOTHER na Siya ring tinatawag na ALMIGHTY UNIVERSAL MOTHER. COMPASSION must be applied. It is LOVE in dynamic action without reward to the giver.

The heavens invite you all to the greatest reward - eternal homes exist for those who want it. Sana magkita-kita tayo doon hindi lang dito sa lupa.
___________________________________________

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home