Bromoki

Monday, February 04, 2008

March 15 & 20 1998

March 15, 1998 Sunday
Church of the Resurrected Christ

Ang paglalaro ay ibabaon mo sa puso at ilalaganap hindi upang hawakan
at dagliang kalilimutan na animo ay isa lamang pagdaraan ng hangin.
Ninanais Ko ang maglaro bilang munting mga bata na ang katahimikan ng isip
ay humi-himlay sa kaibuturan ng Aking dibdib ang pagbabago ang ninanais
Kong gampanan ninyo at hindi ito tandaan. Magaganap kung sasaloob
kahit gahibla ng kayabangan. Muli tayong babalik sa sagarang kailaliman ng
mga pangyayaring naganap sa iba’t-ibang panahon ng mortal ninyong buhay
na gusto mo man takasan ang alaala nito ay uusigin at uusigin kayo ng
budhi ninyo kung magpasya kang magbago. Linisin ang loob-looban ng
inyong dibdib at iwawaksi sa isipan ang kadiliman ng naganap sa nasabing
mga nagdaang panahon kung natanggap na ninyong iwaksi ang binabanggit
Kong kayabangan ay doon kayo unti-unting pagtitikahang maglilinis upang
palitawin ang busilak na kaliwanagan binalutan ng kadiliman sa isang
panahon matindi ang inyong pagkukubli.

Oo naman Aldos at walang dalawang uri ng pagdaranas na magka-pareho.
(mula ng ipanganak) Hindi mo ikukubli ang kadiliman sinapit mo
samantalang iyong binabahagi ang liwanag ng iba.

Hindi mahirap itong intindihin at mababatid ng sinoman ang dahilan kung
bakit nagmamadali Ako sa inyo-inyong pagbabago na ni isa sa inyo ay
hindi pa natatarok ang kadahilanan ang naimungkahi Ko na at nananatili pa
rin ang bawat isang makuha ang jackpot ng katalinuhan sa isang idlip o
sa isang kisap ng mata. Marami na ang patotoo Akong naririnig
kabi-kabila na matapos magampanan ang pagka-kamit ng isang kalutasan ay
bumabalik ng muli sa isang uri ng paglalaro ng nababagay lamang sa isang
mortal na pamumuhay.

Tama ba ito, Paxy?

Bakit ikaw Paxy ang batayan Kong isang masusing pagtatanong gayon hindi
ka na makaiiwas sa sala-salabat na intindihin sa sariling buhay mo?

Iyan ang tama. Hindi mo kayang ipaliwanag ang hangganan ng paraya at
ang pagiging strikta sa maraming bagay-bagay na lagi kang handa sa
pagtanggap sa pagkakasala ng iba, tama ba? huag sasagot kung Ako ay
sinungaling.

Wala ba kayong naririnig pakinggan mabuti.

Oow.

Sa distanciang ilan metro.

Malayo ang inyo pang pananaw sa sinasabi Kong pangdinig.

+ ano uulitin Ko ang binabalangkas natin.

Aldos kitam ano ang tema o paksa ng sinimulan natin mensahe?

Pagbabago di ba Paxy? Bueno na naman tayo sa uno.

Ano ang kinakailangan?

Sa unang pagkakataon.

Makinig di ba Paxy?

Papaano ito papasok sa puso at diwa kung sabay-sabay ang paglalaro ng
maraming labi? Ano ang unang bagay upang matamo ang inaasam na magandang
result di ba concentrasyon? Tama ba Paxy?

Mabuting bigyan ng pagkakataon ang bawat bagay pero unahin ay ang
pagbabago.

At iyan ay simulan ngayon. Magagaling at gumagaling na kayo sa mga
ritual oo nagsisikap bawat isa na isipan ba ninyo ang magpasalamat sa bawat
nakamit na biyaya?

Iyon bang tunay na galing sa kabuuan ninyo? hindi Ako sinungaling iilan
lamang ang mabibilang ninyo. Alam Ko at siguradong-sigurado Ako. Ako
kay Philip at Velma bilang sa natamo at bukod diyan ay meron nga ngunit
pahapyaw lamang bueno iiwan Kong katanungan handa ba kayo sa mungkahi
Ko alam Ko ang handa.

Oo. (Pagbabago)Pagbabago sisimulan sa pagpapakumbaba at paglilinis.

Ang tunay pasasalamat ay tikom ang mga labi at sasarahan ang mga mata.

Hanggang dito na lamang sisimulan ang pagdarasal at ipaubaya sa mga may
kaalaman sa susunod na linggo. 3-7-10.

Alam Ko at sasapulan mo anak ang maganda at malinis na paglalakbay mo
sa iyong landas ng buhay.

Unti-unti anak mong malalaman at maiintindihan. (Newly emergency
ordained)
* * *

Spiritual Communication March 20, 1998 Friday
VIVETRI Office

Ang daan sa pagbabago ay labis-labis na bumibilis at huag sanang ang
simbuyo ay malaki rin naiiwan. Ito pa rin at tatandaang pag-iingatang
pagiging ningas-cogon. Kahit marahan na patuloy-tuloy ay lalampasan ang
bigla na bigla rin ang panglulupaypay. Pag-aralan mabuti ang mga tamang
kombinasyon at hindi aalisin ang hangarin ng lugar na ito simula pa ng
kauna-unahang ibina-balangkas at itinatayo ang bantayog ng hangarin.
Hangga’t maari sa kasalukuyang set-up ay wala na sanang matatanggal o
maiiwan papagtibayin ng bawat sarile ang hangarin umunlad. Dagdagan sa
araw-araw ang hangad na pagbabago. Ang kagiliwan ay pagmamalasakitan ay
hindi dapat iwaglit. Mahalaga ito sa atin kahit sobra-sobra ay kulang pa
kayo sa kulang-kulang. Tandaan Msgr. malaki na ang nalalakaran mo at
manghinayang ka sa haba nito na mapipigil lamang sa isang masalimoot na
pagaala-ala bawat yugto ay kailangan mayroon natututunan at may
pagkakalagyan sa konting paghihintay ay ito sana ang huag hahaluan ng pagkainip.

Oo naman, Padre Toto at pakaka-tandaang pag-aralang mabuti sa Aking
eskuwelang tatag ay pasensya inyong matutunan. Ang pagbabago ng mga salat
hindi lamang sa pananalapi kundi sa mga kaisipang halang ay masasamyo
ng pagpapala na tatamuhin. Huag iiwanan ang isang pagtulong dahil sa
katamaran o kayabangan bilang namumuno ay sangkap sa autoridad na
ipinatong sa balikat ninyo. Bawat situasyon ay tiyaga ang pagtuklas ang
hahagapin nakita Ko at narinig ang unang magulang na dumulog kahapon. Bigyan
ito ng pansin. Gawain lahat na magagawa at ang mga sumusunod ay madali
na. Salat ang dumulog huag dadagdagan ang kasalatan.
Tandaan kayo-kayo ay magpayuhan.

Mga Padre na nagbigay tulong. Mga pagpupuyat sa pag-aalaga ng may-sakit
na Ako rin ang naglagay. Mayroon ba kayong natutunan sa nasabing
situasyon? Huag ninyong aakalain basta-basta Ko lamang ito itanim na wala
kayong natutuhang philosophia. Hindi masyadong mahalaga ang inyong
pag-aaruga mas mahalaga ay ang resulta ng iiwan sa kaisipan upang
maisakatuparan ang isang malaking responsibilidad na patibayin ang gatilyo.
Tandaan ito at iyan ang hindi dapat takasan para na rin sa kapakanan ng
iniwaglit ninyong binabalik-balikan upang masugpunan ang kapabayaan marami
ng libong taon na nakaraan.

Okay ialay sa altar natutuhan itong umaga

0 Comments:

Post a Comment

<< Home